Buod ng Florante at Laura
Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal.
Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa muling lumakas.
Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang kwintas niyang diyamante. Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina.
Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siya’y nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura.
Nagpakilala ang Moro na siya’y si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.
Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.
Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat.
Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.
Grabe ka taas ba, ios ios
Hahaha
Nakita najud tika
buod man onta nganong
palisodlisoron paman jud
Shout out Grade -8 Emerald from
Moist
kapoya kayo aning buod oy. summary man unta
Yahoo kami naman kaylangan mag buod atleast 1 month tas tapos na skool year salamat po at goodluck po sa mga future grade 8 dyan
Thankyou🌷
wala akong naintindihan lolz
Ipa print
ipaprint kesa isulat
Happy Bday Ac ! Hi Mica potpot !
SHOUTOUT TO APEC!!
Grade 8 na naghahanap ng Buod sa “Florante at Laura”
(Thank You!😆)
Maraming salamat sa boud
HAHAHAHAHA natapos k rin sawakas
Taasa diay aning summary uyyHAHHAHAHAHAHHAHA
thank you po
Kaya nyo to guys
hindi po
BAGO KO LANG TAPOS SULATIN LAHAT INTO GRABE NAKAKAPAGOD 🤣🤣😂
Oks langyan guys ako nga walang ka alam alam na may gagawin pala tinawag kasi ako sa guidance kaya yon wala akong ka alam alam kaya gumawa ako kahit gabing gabi na kasi walang dulot na punta saking duo hays malas ko talaga nasiraan na ng rb wala pang dulot kasama
Grabi nmn, so eto ako nag aadvance para sa face to face sa august kase bakit hindi?
yoko magbasa neto ang haba pa naman :/
Itulog nalang yan HAHAHA
bukas na po deadline
felt
nakaka stressed sunod naman yata nito el filibusterismo
omsim
Haba nito kailangan pa naman sulatin lahat😭
Yawa huhu pano ba sagutan
Grabe Ang haba nmn Buti Sana kung si knight 😭☠️
huy HAHAHAHAHA
Tama mhie