YEMA

Yema: Filipino Candies

What is Yema?

Yema is the Spanish word for “egg yolk.”

This soft Philippine candy is shaped into either a pyramid or a ball, and then wrapped in cellophane. It originated from Spain, where nuns in monasteries used egg yolks donated to them by winemakers (who used only the white part of eggs in their winemaking process) to make sweets and pastries.

Paano Gumawa ng Yema

Simple lang… Siyempre hindi na mawawala sa atin ‘yung condensed milk. 

Isa lang… Matuto kang makuntento sa isa lang… Pero siyempre dahil gusto mo ng pang-party-size, bibili ka ng madami. 

Angel Condensada, ha? Para kahit man lang sa gatas ako ‘yung piliin mo. 

Tapos, ilagay mo sa mainit na kawali… kasing-init ng dugo ko sa iyo nang nakita ko ‘yung piktyur n’yo ng bago mo. 

Halu-haluin mo lang hanggang ‘yung malapot na yema unti-unti nang namumuo… parang galit ko sa iyo.

Kung gusto mo ng mani — na alam ko namang talagang gustong-gusto mo talaga — puwede mo na rin namang lagyan. Damihan mo. Magsawa ka.

Tapos i-shape mo nang pa-triangle. Parang lab stori natin. Ako, ikaw, tapos siya… Ang saya, ‘di ba?

Tapos balutin mo na ulit. Tapos iwanan mo na ulit. Tutal. Doon ka pa rin magaling, ‘di ba?

Pero kung ayaw mong iwanan, tapos patay-gutom ka, gusto mo pa ring kainin, okey lang naman. Kainin mo na. Mag-share pa kayo ng bago mo. Huwag kang mag-alala. Wala akong linagay na lason diyan. Kabiteran ko ang papatay sa iyo.


This yema recipe is brought to you by the Pastillas Girl who in a viral video bitterly explained to her ex-boyfriend how to make the popular Filipino candy.  

Ingredients for making yema: condensed milk, egg yolks, optional nuts, bitterness