“Hayop na Combo” by Yoyoy Villame

Another one of Yoyoy Villame’s extraordinarily funny and witty songs.

ORIGINAL TAGALOG LYRICS

Sayawan sa aming baryo
Orkistra ay nagkagulo-gulo
Ang kanilang mga instrumento
ay luma na at sintunado

Ang drummer ay inuubo-ubo
Hikain pa ang nagbabaho.
saksoponista ay mga gago,
taga-turotot ay sira-ulo.

Trampet ay kalawangin,
barado at wala nang hangin
Trombon ay yupi-yupi na rin
ang taga-ihip ay bungal ang ipin

Nagalit ang mga barangay
Orkistra’y kanilang inaway
Dahil sa kanilang tugtog
na walang kabuhay-buhay

Ipinalit ang hayop na kombo
baboy ang nagbabaho,
Ang dramer ay aso
Butiki ang nagpipiyano
Pusa ang organista,
manok ang gumitara

Ayos din ang aming disko
sa tugtog ng hayop na kombo

Nag rock-and-roll ang mga daga
Nag cha-cha ang mga palaka
Nagalit ang kabayong bakla
kay kalabaw na tumutula.
Palakpakan ang surot at ipis
Sa gagambang na nag flying trapis

Ayos din ang aming disco
sa tugtog ng hayop na kombo…

 
English translation of Tagalog lyrics to be added soon.