Anekdota (Halimbawa)

Ang anekdota ay maikling kuwento ng isang nakakawiling insidente sa buhay ng isang tao.

Heto ang isang halimbawa ng anekdota:

* Para sa mga hindi nakakaalam, ang Hebreo ang wika na ginagamit sa Israel.

Isang ahenteng Ruso (KGB agent) ang nakakita sa isang matandang nababasa ng balarilang Hebreo sa parke ng Moscow. Itinanong ng ahente kung ano ang kanyang binabasa, at isinagot ng matanda na ito ay aklat ukol sa wika ng Israel.

Sinabi ng ahente na sa gulang ng matanda ay hindi na ito makararating pa sa Israel. Sinabi ng matanda na tama ang ahente ngunit sa paraiso ang wika ay Hebreo.

Tinudyo ng ahente ang matanda na baka sa impiyerno ito mapunta. Sumagot ang matanda na hindi problema iyon sapagkat marunong na siya ng wikang Ruso.