Filipino Citizenship in Philippine Constitution

This is a side-by-side presentation of Article IV of the 1987 Philippine Constitution in the Filipino language and in English.

IN FILIPINO
ENGLISH TRANSLATION

ARTIKULO IV
PAGKAMAMAMAYAN

ARTICLE IV
CITIZENSHIP
SEKSYON 1.  Ang sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas:

(1) Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng Konstitusyong ito;

(2) Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas;

(3) Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at

(4) Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.

SEKSYON 2.  Ang katutubong inianak na mga mamamayan ay yaong mga mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino.  Yaong mga nagpasya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksyon 1, Talatataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mga mamamayan.

SEKSYON 3.  Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.

SEKSYON 4.   Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalaim ng batas, nagtakwil nito.

Section 1. The following are citizens of the Philippines:

[1] Those who are citizens of the Philippines at the time of the adoption of this Constitution;

[2] Those whose fathers or mothers are citizens of the Philippines;

[3] Those born before January 17, 1973, of Filipino mothers, who elect Philippine citizenship upon reaching the age of majority; and

[4] Those who are naturalized in accordance with law.

Section 2. Natural-born citizens are those who are citizens of the Philippines from birth without having to perform any act to acquire or perfect their Philippine citizenship. Those who elect Philippine citizenship in accordance with paragraph (3), Section 1 hereof shall be deemed natural-born citizens.

Section 3. Philippine citizenship may be lost or reacquired in the manner provided by law.

Section 4. Citizens of the Philippines who marry aliens shall retain their citizenship, unless by their act or omission, they are deemed, under the law, to have renounced it.

SEKSYON 5.  Ang dalawahang katapatan ng mga mamamayan ay salungat sa kapakang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.Section 5. Dual allegiance of citizens is inimical to the national interest and shall be dealt with by law.