EPIKO

epiko
epic


Ano ang epiko?
What is an epic?


Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya'y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.

Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.

Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang 'awit' ngunit ngayon ito'y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.


Mga Epiko ng Pilipinas: Biag ni Lam-ang, Hudhud at Alim, Ibaloy, Ullalim, Ibalon, Maragtas, Hinilawod, Agyu, Drangan


Mga Epiko sa Ibang Bansa: Iliad at Odyssey ng Gresya, Siegried ng Alemanya, Kaleva ng Pinlandiya, Ramayana at Hiawatha ng India, Kasaysayan ni Rolando ng Pransiya, Beowulf ng Inglatera, El Cid ng Espanya, Epiko ni Haring Gesar (Tibet)