Ang Alamat ng Ibong Adarna
'The Legend of the Adarna Bird' in Tagalog
| Oh, Birheng kaibig-ibig Ina naming nasa langit, Liwanagan yaring isip Nang sa layo’y di malihis. Ako’y isang hamak lamang taong lupa ang katawan, mahina ang kaisipan at maulap ang pananaw. Labis yaring pangangamba na lumayag na mag-isa, baka kung mapalaot na ang mamangka’y di makaya. Kaya, Inang matangkakal ako’y iyong patnubayan, nang mawasto sa pagbanghay nitong kakathaing buhay. At sa tanang naririto nalilimping maginoo kahilinga’y dinggin ninyo buhay na aawitin ko. Noong mga unang araw sang-ayon sa kasaysayan, sa Berbanyang kaharian ay may haring hinangaan. Sa kanyang pamamahala kaharia’y nanagana maginoo man at dukha tumanggap ng wastong pala. Bawa’t utos na balakin kaya lamang pairalin, kung kaniya nang napaglining. | Kaya bawat kamalian, bago bigyang kahatulan nililimi sa katuwiran. Pangalan ng haring ito ay mabunying Don Fernando. sa iba mang mga reyno tinitingnang maginoo. Kabiyak ng puso niya ay si Donya Valeriana, ganda’y walang pangalawa sa bait ay uliran pa. Sila ay may tatlong anak, tatlong bunga ng pagliyag binata na’t magigilas, sa reyno ay siyang lakas. Si Don Pedro ang panganay may tindig na pagkainam, gulang nito ay sinundan ni Don Diegong malumanay. Ang pangatlo’y siyang bunso si Don Juan na ang puso sutlang kahit na mapugto ay puso ring may pagsuyo. Anak na kung palayawan Sumikat na isang Araw, kaya higit kaninuman, sa ama ay siyang mahal. Salang mawalay sa mata ng butihing ama’t ina sa sandaling di makita ang akala’y nawala na. |
This modern Tagalog version of 'Alamat ng Ibong Adarna' will be continued soon!