Gubat na Mapanglaw



This excerpted poem from Florante at Laura has been translated into English by Filipino poet Rolando Tinio as The Dark Wood.



GUBAT NA MAPANGLAW

Sa isang madilim gubat na mapanglaw
dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Pebong silang
dumalaw sa loob na lubhang masukal.

Malalaking kahoy ang inihahandog
pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot,
huni pa ng ibon ay nakalulunos
sa labong matipi’t nagsasayang loob.

Tanang mga baging, na namimilipit
sa sanga ng kahoy, ay balot ng tinik
may bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit
sa kangino pa mang sumagi’t malapit.

Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy
pinakamaputing nag-ungos sa dahon,
pawang kulay luksa at nakiki-ayon
sa nakaliliyong masangsang na amoy.

Karamiha’y sipres at higerang kutad
na ang lihim niyon ay nakasisindak,
ito’y walang bunga’t daho’y malalapad
na nakadidilim sa loob ng gubat.

Ang mga hayop pang dito’y gumagala,
karamiha’y s’yerpe’t basilisko’y madla
hyena’t tigreng ganid na nagsisisila
ng buhay na tao’t daigdig kapuwa.