Magtanim ay Di Biro
TAGALOG FOLK SONG LYRICS
| Magtanim ay di biro Maghapong nakayuko Di naman makatayo Di naman makaupo Bisig ko'y namamanhid Baywang ko'y nangangawit. Binti ko'y namimintig Sa pagkababad sa tubig. Kay-pagkasawing-palad Ng inianak sa hirap, Ang bisig kung di iunat, Di kumita ng pilak. | Sa umagang pagkagising Lahat ay iisipin Kung saan may patanim May masarap na pagkain. Halina, halina, mga kaliyag, Tayo'y magsipag-unat-unat. Magpanibago tayo ng lakas Para sa araw ng bukas (Braso ko'y namamanhid Baywang ko'y nangangawit. Binti ko'y namimintig Sa pagkababad sa tubig.) |