Leron, Leron Sinta
|
Leron, Leron, sinta Buko ng papaya Dala dala'y buslo Sisidlan ng sinta |
Pagdating sa dulo'y Nabali ang sanga, Kapos kapalaran Humanap ng iba. |
Halika na Neneng, tayo'y manampalok
Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo'y uunda-undayog
Kumapit ka Neneng, baka ka mahulog.
Halika na Neneng at tayo'y magsimba
At iyong isuot ang baro mo't saya
Ang baro mo't sayang pagkaganda-ganda
Kay ganda ng kulay -- berde, puti, pula.
Ako'y ibigin mo, lalaking matapang
Ang baril ko'y pito, ang sundang ko'y siyam
Ang lalakarin ko'y parte ng dinulang
Isang pinggang pansit ang aking kalaban.