Katakataka, lyrics and recording


SONG LYRICS IN TAGALOG

Kataka-takang mahibang ang katulad ko sa iyo
Biru-biro ang simula ang wakas pala ay ano?
Aayaw-ayaw pa ako, ngunit ’yan ay ’di totoo
Dahil sa iyo puso kong ito’y binihag mo.

Ala-ala ka maging gabi’t araw
Alipinin mo’y walang kailangan
Marinig ko lang sa labi mo hirang
Na ako’y iibigin lagi habang buhay.