BAKYA MO NENENG, Lyrics and Recording
BAKYA MO NENENG
| Original Tagalog Lyrics Bakya mo, Neneng, luma at kupas na Ngunit may bakas pa ng luha mo, Sinta Sa alaala'y muling nagbalik pa Ang dating kahapong tigib ng ligaya. Ngunit, irog ko, bakit isang araw Hindi mo ginamit ang bakya mo, aking hirang? Sa wari ko ba'y di mo kailangan 'Pagkat kinupasan ng ganda at kulay. Ang aking pag-asa'y saglit na pumanaw Sa bakya mo, Neneng, na di nasilayan. Kung inaakalang 'yan ay munting bagay, Huwag itapon, aking buhay, Ang aliw ko kailanman. | bakya wooden clog luma old kupas faded bakas trace luha tears tigib overflowing ligaya joy |
Composer: S. S. Suarez. Lyricist: Levi Celerio