Paskong Pasko

Tagalog version of the English Christmas song Sleigh Ride


TAGALOG VERSION (NOT A TRANSLATION)

Kay hirap-hirap na dumilat kung nag-aantok ka
'Di ba gising ka na? Ehm bakit kaya nananaginip ka pa?
Simbang gabi kay tagal-tagal na hinihintay-hintay ko
Aba naku naman paano ba ito mahuhuli pa tayo
Pasko na, Pasko na, Paskong Pasko na.
Sakay ng kalesa
Magkahawak kamay na magsisimba
Pasko na, Pasko na, Paskong Pasko na.
Simula ng saya
Ang Pasko sa ati'y panahon ng pagmamahalan, 'di ba?

Aking Pasko'y walang kasing ligaya kapag kasama kita
Tila nga ako ang reyna't ako ang hari sa ating kalesa
Simbang gabi ng sabihin ko sa'yong minamahal kita
Sinagot mo ako noo'y simbang gabi rin naaalala mo ba?

Kay init ng tsokolate, bibingka at suman
Ang init ng pag-ibig natin ay ganyan
Singtamis ng ube't leche flan ang iyong pagmamahal
Huwag ka sanang makikita ng langgam

Kay raming kalesa kung mayroong simbang gabi
Madalas na sakay ay dalawang pusong magkatabi
Ang padyak ng kabayong kay bilis tila tibok ng puso ko
Dinggin ang pusong tila kampana rin kung Pasko

Kay hirap-hirap na dumilat kung nag-aantok ka
Di ba gising ka na eh bakit kaya nananaginip ka pa?
Simbang gabi kay tagal-tagal na hinihintay-hintay ko
Aba naku naman paano ba ito mahuhuli pa tayo

Nahuhuli na tayo, huling-huli tayo
huling-huli tayo... ng tatay mo
huling-huli tayo... magtatanan tayo
nahuli tayo, Paskong Pasko!