Harana by Parokya ni Edgar, Video and Lyrics



Harana (Serenade) by Parokya ni Edgar

ORIGINAL TAGALOG LYRICS

Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago?
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba

Meron pang dalang mga rosas
Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Nakaporma naka-barong
sa awiting daig pa
minus one at sing along

Chorus:
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sa 'yo


Hindi ba't parang isang sine
Isang pelikulang romantiko

Hindi ba't ikaw ang bidang artista
at ako ay iyong leading man
Sa istoryang nagwawakas
sa pag-ibig na wagas


Chorus:

Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw, giliw

At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sa 'yo