Hanggang by Wency Cornejo, Video & Lyrics


 

Hanggang (Until) by Wency Cornejo

Original Tagalog Lyrics

Ilang ulit mo nang
Itinatanong sa akin
Kung hanggang saan
Hanggang saan, hanggang kailan
Hanggang kailan magtatagal
Ang aking pagmamahal

Hanggang may himig pa
akong naririnig
Dito sa ating daigdig

Hanggang may musika
akong tinataglay,
kita’y iniibig

Giliw, huwag mo sanang isipin
Ikaw ay aking lilisanin
‘di ko magagawang
Lumayo sa ‘yong piling
At nais kong malaman mo
Kung gaano kita kamahal

Hanggang ang diwa ko
Tanging sa ‘yo laan
Mamahalin kailanman
Hanggang pag-ibig ko’y
Hanggang walang hanggan
Tanging ikaw lamang

 

Hanggang may himig pa akong
naririnig dito sa ating daigdig
Hanggang may musika akong
tinataglay, kita’y iniibig

Giliw, huwag mo sanang isipin
Ikaw ay aking lilisanin
‘di ko magagawang
Lumayo sa ‘yong piling
At nais kong malaman mo
Kung gaano kita kamahal

Hanggang may puso akong
marunong magmahal
Na ang sinisigaw ay laging ikaw
Hanggang saan, hanggang kailan,
hanggang kailan kitang mahal
Hanggang ang buhay ko’y
kunin ng Maykapal

Giliw huwag mo sanang isipin
Ikaw ay aking lilisanin
‘di ko magagawang
Lumayo sa iyong piling
Hanggang may pag-ibig
Laging isisigaw tanging ikaw
Hanggang may pag-ibig
Laging isisigaw tanging ikaw