Hayop na Combo by Yoyoy Villame
ORIGINAL TAGALOG LYRICS
|
Sayawan sa aming baryo Orkistra ay nagkagulo-gulo Ang kanilang mga instrumento ay luma na at sintunado Ang drummer ay inuubo-ubo Hikain pa ang nagbabaho. saksoponista ay mga gago, taga-turotot ay sira-ulo. Trampet ay kalawangin, barado at wala nang hangin Trombon ay yupi-yupi na rin ang taga-ihip ay bungal ang ipin Nagalit ang mga barangay Orkistra'y kanilang inaway Dahil sa kanilang tugtog na walang kabuhay-buhay |
Ipinalit ang hayop na kombo baboy ang nagbabaho, Ang dramer ay aso Butiki ang nagpipiyano Pusa ang organista, manok ang gumitara Ayos din ang aming disko sa tugtog ng hayop na kombo Nag rock-and-roll ang mga daga Nag cha-cha ang mga palaka Nagalit ang kabayong bakla kay kalabaw na tumutula. Palakpakan ang surot at ipis Sa gagambang na nag flying trapis Ayos din ang aming disco sa tugtog ng hayop na kombo... |