Melchora Aquino (Tandang Sora)

Melchora Aquino (1812 - 1919) was a Filipina revolutionary. She was known as Tandang Sora. Sora is short for Melchora, while Tandang is from matanda, the Tagalog word for 'old' -- she was 84 years old when the Philippine Revolution broke out in 1896. In history books, she is given the monikers "Mother of Balintawak" and "Mother of the Katipunan."

 

She provided food and medical help to Filipino revolutionaries and allowed them to meet at her house. The Spanish authorities wanted her to reveal the whereabouts of Andres Bonifacio; when she refused, she was exiled to the Mariana Islands. 


Her profile was on the five-centavo coin from 1967 until 1992. She is the first Filipina to have appared on a Philippine peso banknote -- a 100-peso bill that was in circulation in the 1950's and 1960's.


Talambuhay ni Melchora Aquino (Tandang Sora)

Ang̃ pagúukulan ko ng̃ayón nitóng̃ maigsíng̃ ulat, giliw na bumabasa ay isáng̃ babaing̃ hindî man lamang̃ nakasapit ng̃ mg̃a pintuan ng̃ Páaralán, kaya't tahás na masasabing̃ dî lamang̃ sa mg̃a Páaralán nátututuhan ang̃ pagibig sa Tinubuang̃ Lupà.

Si aling̃ Sora ay isáng̃ likás na mapagmasakít sa alin mang̃ bagay na ukol sa sarili.

Si aling̃ Sora, gaya ng̃ tuwî na'y itinawag sa kanyá ng̃ mg̃a Katipunan ay nagíng̃ isáng̃ tunay na ináng̃ takbuhan niyaóng̃ nang̃aghimagsík at nagtayâ ng̃ buhay sa ikalalayà natin.

Ang̃ kanyáng̃ dulang̃ ay laging̃ may hain, at ang̃ mahigít na isáng̃ libong̃ Katipunan na naglisaw sa Balintawák na naghíhintáy ng̃ isáng̃ hudyát upáng̃ ang̃ talibóng̃ ay ipakipagping̃kian sa mg̃a «reming̃ton» at «mauser», upáng̃ sa pamamagitan noón ay lutasin ang̃ usapín ng̃ atíng̃ bayang̃ nasusukuban at ináalipin ng̃ kapuwâ bayan, ay nakatagpô kay aling̃ Sora ng̃ isáng̃ ináng̃ mapagkupkóp. Sumiláng̃ si Tandáng̃ Sora sa Balintawák niyaóng̃ taóng̃ 1812.

Ang̃ ganitóng̃ gawáng̃ kapuripuri ay pinarúrusahan noón ng̃ parusang̃ kamatayan, kayá't lubháng̃ kagilágilalás na ang̃ isáng̃ hang̃ál na gaya ni tandang̃ Sora, ay huwág sagián ng̃ takot at bagkús nagibayo ang̃ tápang̃ at páng̃atawanan at waláng̃ pang̃iming̃ winaldás ang̃ kanyáng̃ kaunting̃ natitipong̃ palay sa kanyáng̃ mg̃a bang̃án, gayón din ng̃ salapíng̃ patí na sa ikapitóng̃ buhól halos ng̃ taguan ay pawang̃ tinunaw.

Ang̃ ganitóng̃ gawâ ni tandáng̃ Sora ay hindî nálihim sa mg̃a tiktík ng̃ Pámahalaáng̃ kastilà, kayá't siyá'y ipinadakíp pagdaka at sa bisà ng̃ isáng̃ utos ni Henerál Polavieja niyaóng̃ 1897, siyá ay ipinatapon sa Monjuich. Dî man lamang̃ iginaláng̃ ang̃ kanyáng̃ katandaán at pagkababai.

Pinalad pa rin siyáng̃ makabalík digmaan at matahimík siyáng̃ namatáy sa kanyáng̃ táhanan sa Balintawák, Kalookan, poók na nakásaksí ng̃ lalong̃ pinaká maning̃níng̃ na dahon ng̃ ating̃ kasaysayan.

Kung̃ si Gat Bonifacio ay nabubuhay at makapagsásalitâ ng̃ náúukol kay tandáng̃ Sora, disin ay nakábasa tayo ng̃ isáng̃ magandáng̃ halimbawà sa kanyáng̃ iuulat na dîsapalà ay pawang̃ papuri sa babaing̃ itó na siyáng̃ tunay na «Iná ng̃ mg̃a Katipunan.»

Ang̃ mg̃a salitáng̃ «kumain ka na ba kapatid» at isáng̃ ng̃itíng̃ namamalayláy sa kanyáng̃ mg̃a labì ay tila nákikinitá ko pa hang̃gang̃ ng̃ayón. Ang̃ mg̃a salitáng̃ yaón ay siyá niyáng̃ bati at panalubong̃ sa waláng̃ patláng̃ na mg̃a katipunang̃ sa maghapon halos at sa loób ng̃ mahigit na dalawáng̃ buwán ay kanyáng̃ kinailang̃ang̃ parang̃ mg̃a tunay na anák.

Tinawag sa sinapupunan ni Bathalà niyaóng̃ iká 2 ng̃ Marzo ng̃ taóng̃ 1919, sa gulang̃ na isáng̃ daan at pitóng̃ taón.

Ang̃ kanyáng̃ bankáy ay iniwi ng̃ mg̃a «Labí ng̃ Hímagsíkan» na siyáng̃ nang̃asiwà sa paghahatíd sa kanyáng̃ hulíng̃ táhanan.