Talambuhay ni Pedro Paterno

Pedro Alejandro Paterno ( 1858 - 1911) was a Filipino statesman and groundbreaking author.

  • wrote the Pact of Biak-na-Bato
  • wrote the very first Filipino novel written in Tagalog, Ninay (1907)
  • wrote the first Filipino collection of poems in Spanish, Sampaguitas y poesias (Jasmines and Poems), published in Madrid in 1880

 

He served as prime minister of the first Philippine republic in the middle of 1899 was head of the assembly and the cabinet. He advocated  the incorporation of the Philippines into the United States.

 

TALAMBUHAY NI PEDRO A. PATERNO

 

Inalo sa duyan ng̃ kariwasaán at tunáy na Máginoó, sa lawak ng̃ katuturán ng̃ karang̃alang̃ itó, magíng̃ sa sariling̃ bahay, at magíng̃ sa kapamayanán, kayá't lahát ng̃ sinulat ng̃ mg̃a banyagà tung̃kól sa karang̃alan at katang̃ian ng̃ kababayang̃ itó, ay nagbábanság ng̃ waláng̃ patumang̃gáng̃ pagpaparilág sa kanyá dahil sa pagwawaldás ng̃ kanyáng̃ kayamanan, sa ikátatagpô ng̃ mg̃a kaibigang̃ mákakatulong̃, sa minana niyáng̃ katutubong̃ ugalì na mahalin at ipagtang̃gól ang̃ karapatán ng̃ Bayan Tinubuan.

Aní Retana, ang̃ Prínsipeng̃ Tagalog na itó, sa kanyáng̃ mg̃a pigíng̃ na waláng̃ katulad, ang̃ mg̃a kasang̃kapang̃ pawang̃ gintóng̃ lantáyay paubayá niyáng̃ ihináhandóg sa mg̃a pánaohín niyáng̃ nagsasamantalá ng̃ mg̃a gayóng̃ mg̃a pagtitipon, upáng̃ bilang̃ «pabalutan» ay matagláy ng̃ bawa't may ibig ang̃ kanyáng̃ mg̃a gintóng̃ gamit.

Ang̃ kanyáng̃ kagalang̃galang̃ na amá sa pang̃yayari, niyaóng̃ 1872 na ang̃ kabantugan at karang̃alan ng̃ «Tatlong̃ Parè», na pawang̃ kababayan natin ay nápasang̃kót at nabitay, ay naghandóg ng̃ dalawang puo't limang libong piso upang̃ máligtás lamang̃ sa bibitayan ang̃ tatlóng̃ banal na pawáng̃ waláng̃ sala.

Nang̃ mg̃a panahóng̃ yaón ang̃ libong̃ piso ay lubhang̃ malaking̃ bagay, at ang̃ handóng̃ na yaón ay sukat upang̃ ang̃ mg̃a Gobernador na hindî lubháng̃ maing̃at sa karang̃alan, ay madalás mapagaláw ng̃ salapî, ng̃uni't ang̃ nagíng̃ bung̃a ng̃ gayóng̃ banál na handóg ay ang̃ sampuô ng̃ kanyáng̃ kalayaan ay sumapang̃anib at mábilang̃ siyá sa mg̃a ipinatapon sa nagíng̃ mahabang̃ buntót ng̃ himagsikang̃ kawal na yaón na nang̃yari sa Kabite niyaóng̃ 1872.

Lulan ng̃ Sasakyang̃ «Flores de María» ay ipinatapon sa Marianas ang̃ mg̃a Gg. Agustín Mendoza José de Guevarra, Miguel Laza, Felíciano Gómez, Anacleto Desiderio, Vicente del Rosario, Toribio H. del Pilar, Mariano Sevilla, Justo Guazon, Pedro Dandan, Antonio Ma. Regidor, Joaquín Pardo de Tavera, Mauricio de León, José Basa Enriquez, Pedro Carrillo, Gervacio Sánchez, Balbino Mauricio, José Basa, Ramón Maurente, Pio Basa at Máximo Paterno.

Tung̃kól kay G. Pedro Paterno ay sinabi ng̃ káunaunaháng̃ Gobernador Civil dito sa Pilipinas na nagíng̃ Pang̃ulo ng̃ Estados Unidos na si Mr. William H. Taft at kasalukuyan ng̃ayóng Pang̃ulo ng̃ Pinakamataás na Húkuman sa Amerika, na: «Si G. Pedro A. Paterno, anya, ay isáng̃ politikong̃ pilipino na sa aking̃ mg̃a nákilala ay bugtóng̃ sa lahat na hindî ko kináring̃gáng̃ magsabi nang̃ anô mang̃ masamâ na ukol sa ibá».

Nang̃ kasalukuyan siyáng̃ nábibilang̃gô sa makasaysayang̃ kalle Anda, loób ng̃ Maynilà, at nang̃ ang̃ mg̃a pulutóng̃ ng̃ mg̃a kawal ng̃ Hímagsikang̃ ay nagpapahirap ng̃ gayón na lamang̃ sa mg̃a kawal na amerikano na naglagák na ng̃ isáng̃ mahalagáng̃ buhay ng̃ isá sa matatapang̃ niyá at nápabantóg na Heneral na si Mr. Lawton, sa mg̃a lawak ng̃ San Mateo, Rizal, ay inakalà ng̃ Heneral McCartur na gamitin ang̃ kapang̃yarihan ni G. Pedro Paterno, upáng̃ ang̃ kapayapaan ay lúbusan nang̃ magharì, ng̃uni't ang̃ gayóng̃ nasà ay waláng̃ sinapit, at ang̃ mg̃a pulutóng̃ ng̃ naghíhimagsík ay nagpatuloy ng̃ kápupuksâ sa mg̃a kalaban ng̃ kanyáng̃ kalayaan.

Si G. Pedro A. Paterno ay sumilang̃ sa mayamang̃ bayan ng̃ Santa Cruz, Maynilà, liping̃ Tagalog ng̃ mg̃a Lakán, na buhat sa kaugatugatan ng̃ kanyáng̃ lipì ay likás na mairugín sa ikagagaling̃ ng̃ Bayang̃ Tinubuan.

>Isáng̃ anák nitóng̃ Maynilà na sumilang̃ niyaóng̃ taóng̃ 1858, iká 27 ng̃ Abril, ang̃ aming̃ pinagúukulan gayón nitóng̃ munting̃ haláw ng̃ kanyáng̃ pagkátao, bilang̃ putong̃ sa kanyáng̃ mg̃a punyagî na ang̃ liping̃ Tagalog ay málagáy sa isáng̃ kalagayang̃ karapatdapat sa kanyáng̃ pagkabansâ.

Ang̃ una niyáng̃ pagáaral ay sinimulán sa «Ateneo Municipal» magbuhat sa gulang̃ na siyam na taón, at noóng̃ taóng̃ 1871 ay natapos ang̃ kanyáng̃ pagáaral doón; lumipat siyá sa Páaralang̃-madlà sa Salamanca at nagaral ng̃ «Filosofia», «Teología» at «Leyes Canónicas» at kanyáng̃ tinapos sa «Universidad Central de Madrid» na kanyáng̃ tinang̃gapán ng̃ katibayang̃ «Doctor».

Sa pagkamánunulat si G. Pedro A. Paterno ay napatang̃i rin at dahil doón ay ginawaran siyá ng̃ «Gran Cruz de Isabel la Católica» isáng̃ tusón na dî madalíng̃ tamuhín at nagbúbukás sa may tagláy noón ng̃ Gusalì ng̃ dakilang̃ Harì sa España.

Nang̃ manumbalik na mulî rito sa bayang̃ sarili, at sapagka't siyá'y matalik na kaibigan ng̃ dakilang̃ Tagalog, niyaóng̃ bayaning̃ tagá Kalambà, ay pinágtang̃kaán siyáng̃ isang̃kót sa mg̃a kilusang̃ tung̃o sa pagtiwalag, ng̃uni't sa mabuting̃ sandali ay hindî nagtagumpáy ang̃ gayóng̃ nais at ang̃ kanyáng̃ kaya ay nang̃kapanahong̃ máihandóg niyá sa mg̃a kapakanán ng̃ Bayan.

Nang̃ ang̃ nagiinapóy na Hímagsikan niyóng̃ 1896, ay kasalukuyang̃ lumálaganap, at ang̃ kapang̃yarihang̃ tagaganáp ng̃ Gobernador Heneral na si G. Fernando Primo de Rivera, ay dî makaapulà, si G. Pedro A. Paterno ay inatasan ni Heneral Primo de Rivera, niyaóng̃ Disyembre iká 15 ng̃ taóng̃ 1897, na magíng̃ sugò ng̃ Pámahalaáng̃ kastilà, upáng̃ makipagkasundô sa nang̃aghihimagsik, at ang̃ «Pacto de Biak na Bato» ay tinamó niyá sa mg̃a Pámunuán ng̃ Hímagsikan niyaóng̃ iká 9 ng̃ Agosto ng̃ taóng̃ 1897.

Sa gayóng̃ bung̃a ng̃ kanyáng̃ sikap ay nakapagling̃kód siyá sa dalawáng̃ kapang̃yarihan, sa Ináng̃ España at sa Ináng̃ Pilipinas.

Ang̃ kasaysayan ay magtataán sa kanyá ng̃ mg̃a ginintuang̃ dahon tung̃kól sá bagay na itó.

Niyaóng̃ iká 15 ng̃ Septiembre ng̃ taóng̃ 1898 ang̃ Kapulung̃ang̃ Pilipino ay nagdaos sa Barasoain, Bulakan, ng̃ isáng̃ Sang̃guniang̃ binúbuô ng̃ siyám na puong̃ kasangunì, pilì sa lahat ng̃ poók, magìng̃ sa karunung̃an at katang̃ian. Binubuo ang̃ Sanguniang̃ yaón ng̃ apat na puong̃ abogado, labing̃ anim na médico, limang̃ farmaceútico, dalawáng̃ ingeniero, isáng̃ parè, mg̃a máng̃ang̃alakal at mg̃a tang̃ing̃ hugot sa mg̃a tanyag na taong̃ bayan; sa kapulung̃ang̃ yaón ay náhirang̃ si G. Pedro A. Paterno na Pang̃ulo ng̃ Sangunian.

Nang̃ ang̃ mg̃a kastilà ay talunin ng̃ mg̃a amerikano sa dagat, at ng̃ mg̃a mang̃hihimagsik sa katihan, sa isáng̃ dî maiiwasang̃ pang̃yayari, ang̃ magkalutong̃ na itó sa pagguguhò ng̃ kapang̃yarihang̃ maka hari ay siyáng̃ nagkálaban. Sa pulong̃ na idinaos sa Bagong̃ Ecija, ay náhirang̃, si G. Pedro A. Paterno na sugò ng̃ Pamahalaang̃ Pilipino, upáng̃ makipulong̃ kay General Otis, at doó'y tamuhin ang̃ «autonomía», ng̃uni't hindî niyá inabot na mákapulong̃ ang̃ Punong̃ Hukbó ng̃ mg̃a amerikano. Ihinalál siyáng̃ pamuli sa pang̃alawáng̃ Lupon sa gayón ding̃ layon, at siyá ay nakarating̃ rito sa Maynilà na sinalasà ang̃ hangahan ng̃ kamatayan; ng̃uni't di niyá ipinagtagumpáy ang̃ láyuning̃ kanyáng̃ sinadyâ sa mg̃a Pámunuáng̃ amerikano.

Umurong̃ siyá na kasama ng̃ mg̃a naghihimagsik hang̃gáng̃ Trinidad, Benget, na kinabihagan sa kanyá ng̃ mg̃a kaaway.

Bung̃a ng̃ waláng̃ pagál niyáng̃ panitik ang̃ mg̃a sumusunód: Ang Dating Kabihasnan Ng Mga Pilipino, Ang mga Tagalog Sa Kasaysayan ng Sandaigdigan, Ang mga Salaysay ni Pare Placencia tungkol sa Kapakanakan ng mga Kristiyano, at mg̃a ibá pang̃ dî mabilang̃ na mg̃a babásahing̃ bayan.

Niyaóng̃ Agosto, ika 16 ng̃ taóng̃ 1902, ang̃ Dulaang̃ Tagalog ay dinalaw ng̃ isá niyang̃ mainam na «opereta» na pinamagatáng̃: «Sandugong̃ Panaginip». Ang̃ tugtugin ng̃ marikít na tang̃hál na itó ay utang̃ sa Guróng̃ si G. Bonus. Kun saan mapagkíkitang̃ sa gitnâ ng̃ kanyáng̃ mg̃a tagumpáy ay dî niyá nalimutan ang̃ sariling̃ wikà.

Niyaóng̃ 1900 na ipahayag ni General Mc. Artur, ang̃ «amnistia», ay sumailalim siyá noón, at naging̃ masugid na tagapamayapa, matapos tamuhín ang̃ kanyáng̃ kalayaan.

Naging̃ Guró si G. Pedro A. Paterno sa Páaralang̃ «Liceo de Manila» at kanyáng̃ inihayág ang̃ kanyáng̃ Ang Bagong Ayos ng Municipio sa Pilipinas at ang Pamahalaang Bayan.

Si G. Pedro A. Paterno ay nagíng̃ Sugò sa Unang̃ Kapulung̃ang̃ Bayan at nagíng̃ masugid na katulong̃ ng̃ ating̃ mg̃a mambabatás. Namatáy siyá niyaóng̃ Abril ng̃ taong̃ 1911 nang̃ dî man nápahiwaláy sa pagká Guró sa káunaunahang̃ Páaraláng̃ Pilipino na nakilala sa tawag na «Liceo de Manila».