Cayetano Arellano, First Chief Justice

Cayetano Arellano was the first Chief Justice of the Supreme Court of the Philippines under the American Civil Government. He was Chief Justice from 1901 to 1920, making him the longest-serving Chief Justice.

Together with Pedro Paterno, he testified before the Schurman Commission that the Philippines was not  yet prepared for self-government. They formed the Federalista Party to promote the annexation of the Philippines as a state of the USA.

Upon the start of the American civil government in 1901, William Howard Taft appointed Arellano as the first Supreme Court Chief Justice.

TALAMBUHAY NI CAYETANO ARELLANO


Kung̃ sino yaóng̃ nagsásabing̃ ang̃ karunung̃an at kariwasaan ay kaaway ng̃ mg̃a dukhâ ay nabubulaanan sa halimbawang̃ sa kanyáng̃ sariling̃ kabuhayan ay ipinakita ng̃ Mrgl. na G. Cayetano Arellano.

Buhat sa isáng̃ muntíng̃ bayang̃ nakilala sa tawag na Udyóng̃, sakop ng̃ lalawigang̃ Bataan, at nakyát sa kátaastaasang̃ likmuan ng̃ Pinakamataás na Húkuman dito sa Pilipínas. Nakyát na dî sa tagubilin at pagkakaling̃à ng̃ isáng̃ pagkating̃ politiko gaya ng̃ karaniwang̃ mang̃yari sa mg̃a tung̃kuling̃ Pámahalaan, kundi sa sariling̃ karapatán, kakayahán at karunung̃an, palibhasa'y isáng̃ dalubhasang̃ karapatdápat sa alin máng̃ lalong̃ maselang̃ na tung̃kulin.

Nagsisikíp sa sang̃sinukob ang̃ pagkilala sa kanyáng̃ manining̃ning̃ na mg̃a kurókurò sa kanyáng̃ mg̃a hatol, magíng̃ sa pagsasarili niyá sakaling̃ ang̃ pasyá ng̃ kanyáng̃ mg̃a kasamahán ay dî niyá marapatin, maging̃ sa kung̃ siyá'y makaayon na magbigay ng̃ sariling̃ ulat. Si Gat Cayetano Arellano ay isáng̃ taong̃ may mabuting̃ ugalì, mabuting̃ gawî at mabuting̃ mg̃a gawâ na ipinamana sa kanyáng̃ mg̃a kalahi sa háharaping̃ panahón.

May mabuting̃ ugali, sapagká't sa kanyáng̃ diwang̃ nagsisikíp sa karunung̃an ay may siwang̃ ang̃ mg̃a súliranin ng̃ liping̃ tumatang̃is at tuwî na ay nakátagpô sa kanyáng̃ mg̃a hatol ng̃ isáng̃ kasiyahang̃ loób, palibhasà ay nábabatáy tuwî na sa malinis na udyók ng̃ budhî. Ang̃ mg̃a ulila ay nakatagpô sa kanyáng̃ maáwaing̃ pusò ng̃ isáng̃ tapát na tagapagkaling̃à at tagasaklolo; at waláng̃ sukat na paglilimós ang̃ ginagampanán niyá nang̃ walang̃ sino máng̃ nakamalay, kahit na ng̃ tunay na sinasaklolohan.

May mabuting̃ gawî sapagká't sa habang̃ panahón ng̃ kanyáng̃ ikinabuhay ay waláng̃ unang̃ nagíng̃ himaling̃ kundî ang̃ tahás na pagúubos kaya upáng̃ mapagaralan ang̃ mg̃a súliraning̃ sanhî ng̃ mg̃a paghihirap ng̃ sang̃katauhan, at magawaran ng̃ tumpák na lunas; pagáaral na waláng̃ maliw hang̃gáng̃ sa huling̃ sandalî ng̃ kanyáng̃ buhay. At hindî sukat ang̃ pagsisikap sa sarili ang̃ kanyáng̃ hinaráp, dî mabilang̃ na mg̃a dukhâ, na waláng̃ kayang̃ ipagpáaral sa kaniláng̃ mg̃a anák, ang̃ nakatagpô kay Gat Arellano, ng̃ isáng̃ ganáp na biyayà. Pinággugulan niyá sa pagáaral ang̃ lubháng̃ maraming̃ maásahan sa háharapin, sapagká't sa ganitóng̃ paraán niyá ináakalang̃ makapagling̃kód ng̃ táhasan sa minámahál niyáng̃ Tinubuang̃ Lupà.

Ang̃ lahát ng̃ kanyáng̃ inisip sa paghahandóg ng̃ ginhawa sa nang̃ahíhirapan ay kanyáng̃ isinang̃awáng̃ pawà, at kaypala'y dî iilán sa ng̃ayón ang̃ tumátamasa ng̃ ginhawa at nagpapasasà sa mg̃a kaaliwang̃ dulot ng̃ karunung̃an, na pawang̃ utang̃ sa pagkakawang̃-gawâ ng̃ Mrng̃l. na G. Cayetano Arellano.

Isáng̃ masayang̃ araw ng̃ Marso, ikalawá sa buwan ng̃ taóng̃ 1847, ang̃ Pilipinas ay nagkapalad magkaroón ng̃ isáng̃ anák na kagiliwgiliw, isáng̃ anák na nagtampók sa kanyá sa isáng̃ kalagayang̃ karapatdapat, at itó ay ang̃ ating̃ pinagúukulan nitóng̃ mg̃a katagáng̃ ulat.

Ang̃ mg̃a páng̃unahíng̃ pagáaral ay idinaos sa sariling̃ táhanan at nagpatuloy sa Páaraláng̃ «San Juan de Letrán» at sa «Universidad de Sto. Tomás» na tinang̃gapán nang̃ mg̃a katibayang̃ sumusunod: «Bachiller en Filosofía» (1862) «Bachiller en Teología» (1867) «Bachiller en Derecho Canónico» at «Bachiller en Derecho Civil» (1871), «Licenciado en Jurisprudencia» (1876).

Naghawak ng̃ tung̃kuling̃ abogado ng̃ «Audiencia Territorial de Manila» at niyaóng̃ 1879, sa mung̃kahì ng̃ Pang̃ulo ng̃ «Audiencia» ay náhirang̃ na Hukóm na may pananahanan sa «Gobierno Político Militar de Tárlac», at nang̃ makalipas ang̃ tatlóng̃ taón, niyaóng̃ 1872, ay náhirang̃ na «Catedrático» sa Sto. Tomás sa Karunung̃ang̃ «Derecho Civil» at niyaóng̃ 1886 ay ginawaran ng̃ kapang̃yarihang̃ magíng̃ «Mang̃istrado suplente» ng̃ «Audencia» dito sa Maynilà.

Nanung̃kulan ng̃ pagkakasang̃gunì ng̃ «Ayuntamiento» niyaóng̃ 1887; at niyaóng̃ taóng̃ 1898 ay ihinalál na Kalihim pang̃labas ng̃ ating̃ Pámahalaáng̃ sarili sa Malolos.

Pagkatapos magíng̃ Presidente ng̃ «Servicio Civil» ay ihinalál na Pang̃ulong̃ samantala ng̃ Mataás na Húkuman sa lilim ng̃ Pámahalaáng̃ Hukbó dito sa Pilipinas, at niyaóng̃ Hunyo ng̃ taóng̃ 1901, ay náhalál na Pang̃ulong̃ Pálagian ng̃ násabing̃ Mataás na Húkuman.

Niyaóng̃ siyá ay maglakbáy sa Amerika niyaóng̃ 1904, ay pinagkalooban ng̃ dì karaniwang̃ karang̃alang̃ «Doctor en Derecho» ng̃ «Yale University», karang̃alang̃ sa bihirang̃ tao lamang̃ ipinagkákaloób.

Náriyán ang̃ kabuhayan ng̃ isáng̃ maning̃níng̃ na Talà, ba ang̃ liwanag ay dî magkásiyá sa ating̃ lupaín, hinang̃aan ng̃ mg̃a banyagà at kinilalang̃ isáng̃ pantás na katang̃ítang̃ì.

Ang̃ maliliit na bayan, magmulâ pa ng̃ mulâ at mulâ, ay nang̃ápabantóg dî sa kayamanan ng̃ kanyáng̃ mg̃a pataním, dî sa kasaganaan at kasipagan ng̃ kanyáng̃ mg̃a magsasaká, dî sa kabantugan ng̃ kanyáng̃ tikmâ, dî sa mg̃a naglalakihang̃ mg̃a gamlayan, pagkápalibhasa ay dî itó ang̃ nang̃ing̃ibabaw at ikinatatang̃ì sa ibá, kundî ang̃ pagkakaroón ng̃ mg̃a anák na dî karaniwan, niyáng̃ mg̃a tao niláng̃ sa maliliít na bayan sumisiból upáng̃ ang̃ mg̃a bayang̃ násabi ay mápabantóg at hang̃aan ng̃ mg̃a bayang̃ lalong̃ malalaki at maginhawa.

Si Gat Cayetano Arellano ay isáng̃ tapat na anák ng̃ Pilipinas, at máituturing̃ na isáng̃ karapat dapat na kawal ng̃ sandaigdian na kanyáng̃ pinagling̃kuran ng̃ malaganap na kisláp ng̃ kanyáng̃ diwà.

Pagpalain nawa ni Bathalà ang̃ kanyáng̃ mabuting̃ aláala at ang̃ kanyáng̃ mg̃a katang̃ian ay ipagpatuloy ng̃ dî mabilang̃ niyáng̃ kinandili.