Study 'Magtanim ay Di Biro'
Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman makatayo
Di naman makaupo
Bisig ko'y namamanhid (Braso ko'y namamanhid)
Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.
Kay pagkasawing-palad
Ng inianak sa hirap,
Ang bisig kung di iunat,
Di kumita ng pilak.
Sa umagang pagkagising
Lahat ay iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.
Halina, halina, mga kaliyag,
Tayo'y magsipag-unat-unat.
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas
This folk song is about the physically strenuous work of planting rice.
magtanim
to plant
di biro
"no joke" = not easy
maghapon
all afternoon
nakayuko
bent over
di makatayo
unable to stand
di makaupo
unable to sit
Tayo'y magsipang-unat-unat.
Let's stretch a bit.