Apat na Kayarian ng Salita


1. PAYAK
-  salitang-ugat lamang

Halimbawa: araw

2. INUULIT
- inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito.

Dalawang uri ng pag-uulit:

a. pag-uulit na ganap - inuulit ang salitang-ugat
halimbawa: araw-araw

b. pag-uulit na di-ganap - inuulit lamang ang bahagi ng salita
Halimbawa: kakanta

3. MAYLAPI
- binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi

Halimbawa:
unlapi - umayaw 
gitlapi- sinulat 
hulapi - patayin
kabilaan (sa unahan at hulihan) - nagpatayan

4. TAMBALAN
- dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita

Halimbawa:
asal-hayop 
bahaghari 
silid-aralan
hampaslupa

Iyan ang apat na kayarian ng salita, at mga halimbawa ng bawat isa.