Ano ang Tulang Liriko?
Liriko ang tinatawag ng mga Griyego sa tulang inaawit sa saliw ng lira.
Ang tulang liriko ay may himig awit pa rin hanggang ngayon bagama’t pinatutunayan ng makata na hindi na kailangan ang isang lira o anupamang instrumento upang siya’y umawit. Nakalilikha siya ng musika sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salita. Palibhasa’y matindi siya kung magdamdam, ang kanyang mga salita at damdamin ay nalilikha ng tunog na maaliw-iw at nakagagayuma.
Bukod sa mayamang damdamin, ang iginaganda ng tulang liriko ay ang indayog ng mga taludtod at ang pagsising-isang tunog ng mga huling pantig bukod pa ang paggamit ng maririkit na paglalarawan.
Halimbawa ng Tulang Liriko: Sa Dalampasigan ni Teodoro A. Agoncillo
- - -
A lyric poem is a short poem that expresses personal feelings. It need not be set to music.
The most popular form of lyric poetry is the 14-line sonnet.
The most popular form of lyric poetry is the 14-line sonnet.
- - -
Ang soneto ay tulang liriko na binubuo ng labing-apat (14) na taludturan na hinggil sa damdamin at kaisipan. Ito’y nakikilala sa matinding kaisahan ng sukat at kalawakan sa nilalaman.
Ang soneto ay hindi basta tula lamang na binubuo na labing-apat na taludturan. Ito’y kailangang may malinaw na kabatiran sa kalikasan ng tao at sa kabuuan. Ito ay naghahatid ng aral sa mga mambabasa. Sa unang walong taludtod ay inilalahad ang diwa, paghanga man o talinghaga, at sa huli naman ang karagdagan o anumang kapupunan sa ikabubuo ng tula.